Calendar
PH consul general sa Chicago um-attend sa Consular Corps awarding

PINARANGALAN ang Consular Corps ng Michigan sa Governor’s Residence sa Lansing, Michigan at dumalo si Konsul Heneral sa Chicago na si Melanie Rita Diano sa event.
Inorganisa ng Michigan Economic Development Corporation (MEDC) ang event.
Nakipagpulong si Diano kay Gob. Gretchen Whitmer at mga kinatawan mula sa Consular Corps at mga executive ng business at trade sector na nakabase sa Michigan.
Sinamantala ng Konsul Heneral ang pagkakataon na i-promote ang 2026 Very Important Pinoy Tour noong Hulyo at ang 2027 VIP Tour na iko-coordinate ng Consulate General sa Chicago.
Dumalo rin si Philippine Honorary Consul Atty. Marcus Evangelista, Dr. Jose Evangelista, dating Philippine Honorary Consul at Dr. Stella Evangelista.
Ang MEDC ay isang public-private partnership na marketing arm at lead advocate ng estado para sa pagpapaunlad ng negosyo, patas na paglago ng trabaho at pag-unlad ng komunidad.
