Hot News

Bilang ng nasawi sa lindol sa Mindanao umakyat na sa 36

109 Views

LindolUMAKYAT na sa 36 ang naitalang patay sa 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao .

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), apat sa mga nasawi ay mula s Region 11 at 32 naman ang mula sa Region 12.

Nasa 167 naman ang nasugatan at apat pa ang nawawala.

Umabot din sa 19,529 pamilya na katumbas ng 88,000 indibidwal ang naapektuhan sa Region 9, 11, 12 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Sa nasabing bilang, 5,343 pamilya o 19,635 indibidwal ang nsa loob ng 39 evacuation centers habang nasa 264 pamilya o 1,055 indibidwal ang nasa labas.

Ayon sa NDRRMC, umabot sa 127 imprastraktura ang napinsala na nagkakahalaga ng P15,000,000.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang pagtulong ng gobyerno sa mga naapektuhang pamilya.