4 nasawi sa sunog sa Calamba

Gil Aman Jun 11, 2026
175 Views

APAT ang na-trap sa sunog at namatay sa residential-commercial area sa Brgy. Real, Calamba City, Laguna noong Huwebes.

Kasama rin na trap ang isang ginang na buntis nasa loob ng nasunog na commercial area

Hinihinala ng awtoridad na nagumpisa ang sunog sa isang bakery na nasa pangalawang palapag ng gusali.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa Redlocks Bakery at kumalat ang apoy sa lugar.

Ayon sa ilang saksi, hindi agad nakalabas ang mga biktima dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.

Samantala, isa sa naninirahan ang nakaligtas at nasa maayos ng kalagayan.

Nagsasagawa naman ang tauhan ng Bureau of Fire Protection upang alamin ang sanhi at pinagmulan ng sunog.