Patay Ang biktima ng pamamaril sa isang bodega matapos barilin sa ulo at tangayin ang P200,000 ng biktima.

Kelot binaril sa ulo sa bodega, tigok

Jon-jon Reyes Jun 11, 2026
76 Views

TIGOK ang lalaki matapos barilin sa ulo ng hindi nakikilalang suspek sa bodega sa Sta. Cruz, Manila noong Lunes.

Nakilala ang biktima na si alyas Adrian, 33, ayon kay Police Major Dave Garcia, hepe ng Manila Police District Homicide Section.

Ayon sa report, bandang alas-11:54 ng tanghali ng barilin ang biktima sa Room D, Tiaoqui Building sa 517 Bustos St., Brgy. 303, Sta. Cruz, Maynila.

Sa kuha ng CCTV nakita ang pagpasok at paglabas ng gunmen sa lugar matapos ang pamamaril.

Nakita rin siya na naglalakad patungong Plaza Sta. Cruz hanggang sa sumakay ng tricycle bitbit ang bag na naglalaman ng mahigit P200,000 na pag aari ng biktima.

Sa imbestigasyon bandang alas-11:40 ng umaga, dumating ang testigo na si Journal Macapagal sa Room D upang magbenta ng cellular phone board sa biktima.

Sa kanilang transaksyon, inutusan ng biktima ang saksi na bumili ng weighing scale. Dahil dito, umalis ang saksi sa lugar upang bilhin ang hiniling na bagay.

Bandang alas-11:54, nadiskubre ang biktima na nakahandusay sa sahig, duguan at hindi sumasagot.

Rumesponde sina P/Cpt. Armando Licayan at nakipag-ugnayan sa homicide section.