Hot News

Misis patay sa saksak ni mister; suspek may nabasa sa cp ng biktima

Gil Aman Jun 15, 2026
28 Views

GinangPATAY ang isang ginang sa mga saksak ng mister nang mag-away ang dalawa sa loob ng kanilang tahanan sa Sitio Bayabasan Brgy. Bagong Pool,Santa Maria, Laguna, gabi noong Linggo, June 14, 2026.

Sa ulat ng Santa Maria police, kinilala ang nasawing biktima na si alyas Jen.

Natagpuan ang biktima na tadtad ng saksak ang katawan at naliligo sa sariling dugo.

Pinaghahanap na ng pulisya ang itinuturong suspek na si alyas Darwin.

Base sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa nang Sta Maria police, dakong 11:50 ng hatinggabi nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa dahil sa pagseselos ng lalaki sa misis matapos may mabasa ito sa cellphone ng ginang.

Sinabi ng ilang saksi na pinag-awayan ng mag asawa ang matinding selos ng lalaki.

Ang matinding away ay humantong sa pananaksak ng lalaki na ikinasawi ng babae.