Dalaga Kinilala ni PLt .Col Amor Cerillo ang arestadong suspek. JONJON C. REYES

Suspek sa illegal recruitment dinampot sa Pandacan

Jon-jon Reyes Jun 15, 2026
31 Views

KULUNGAN ang kinahantungan ang 26-anyos na babae dahil sa paglabag na Seksyon 6 (A) ng R.A. 8042 (illegal recruitment) matapos matimbog ng mga operatiba ng MPD Pandacan Police Station 10 sa G. Abdon Street, Bgy 843, Otis, Pandacan Manila, Lunes ng umaga.

Nakilala ang akusado na si alyas Ara, 26, kawani ng opisina, dalaga, at naninirahan sa P. Carlos Street, barangay 855, Pandacan Manila.

Ayon kay PLtCol. Amor C. Cerillo, Station Commander ng MPD Pandacan Police Station 10 bandang, 11:05 ng umaga nang damputin ang suspek.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng Pandacan Police Station sa pangunguna ni PSSg. Ferdinand Paul M Sicad, team leader ng Warrant Section sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLT Beverly Joy C Nanglegan,chief, Warrant Section, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Judge Conrado Tabag Tabaco, ng RTC, Second Judicial Region, Branch 9, Aparri, Cagayan.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Ang naarestong akusado ay napag-alaman na kabilang sa talaan ng Top Ten Most Wanted Person (TTMWP) Station Level Top No. 2.

Ang arestadong suspek ay dinala sa pinakamalapit na ospital para sa pisikal at medikal na pagsusuri at pagkatapos ay itinurn over sa Pandacan Police Station (PS-10).