Gatchalian

Lahat ng senador pinadadalo ni Gatchalian sa special session

30 Views

NANAWAGAN si Acting Senate President at Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian sa lahat ng senador na dumalo sa special session sa June 17 upang aksyunan ang mga nakabinbing panukala at kumpirmahin ang appointment ng limang military generals.

Hinimok ni Gatchalian ang mga senador mula sa majority at minority blocs na lumahok sa special session na ipinatawag ni President Ferdinand Marcos Jr.

“For me, it is important that we approve all of these bills and not waste this special session because this is our opportunity to finish everything that has been pending, which is why it’s important for our senators to attend,” sinabi ni Gatchalian sa isang interview.

Iniulat na ipinatawag ang special session sa pamamagitan ng Proclamation No. 1318 upang aksyunan ng Kongreso ang priority legislative measures at mga nakabinbing appointment sa Commission on Appointments.

Ayon sa mga naunang ulat, nananatiling nakabinbin ang ilang panukala at appointment habang hinaharap ng Senado ang pagtatalo sa liderato.

Sinabi ni Gatchalian na kailangan ding aksyunan ng Commission on Appointments ang mga nakabinbing appointment, kabilang ang sa limang military generals.

“I issued a statement encouraging all senators to attend, regardless of whether they are part of the majority or minority. These are very important matters, especially concerning the Commission on Appointments, as we have already surpassed the time allotted for these agenda,” sinabi niya.

Ayon kay Gatchalian, maaaring makaapekto sa pagtupad ng tungkulin ng limang heneral ang karagdagang pagkaantala sa pagkumpirma ng kanilang appointment.

Sinabi rin niya na nakipag-ugnayan siya sa liderato ng Kamara kaugnay ng meeting ng Commission on Appointments.

“Even in the CA, we have members from the House; I spoke with the Speaker over the last few days, and they are committed to coming, so they will arrive at the CA in full force,” sinabi ni Gatchalian.

Ayon kay Gatchalian, magsisimula ang sesyon ng Senado sa alas-9 ng umaga at magre-recess sa alas-11 ng umaga para sa meeting ng Commission on Appointments.

Inaasahang magpapatuloy ang sesyon sa hapon bago ang final adjournment sa pagitan ng alas-4 at alas-5 ng hapon.