Lacson

Escudero tinitingnang mamuno pag nag-convene ang Senado bilang impeachment court

34 Views

MAAARING ihalal si Senador Francis “Chiz” Escudero bilang presiding officer kapag muling nag-convene ang Senado bilang impeachment court, batay sa consensus ng mga senador nitong Miyerkules ng umaga, ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson.

“As per our consensus as of this morning, we will elect Sen. Chiz Escudero if we convene again as the impeachment court to be the presiding officer,” sinabi ni Lacson.

Sinabi ni Lacson na kabilang sa dahilan ang pagiging abogado ni Escudero at ang kanyang karanasan sa impeachment proceedings.

“Lawyer eh kasi may experience na siya sa impeachment,” sinabi ni Lacson.

Gayunman, hindi pa pinal ang nasabing kasunduan.

“Yan ang consensus namin as of this morning. Pwede magbago,” dagdag ni Lacson.

Wala pang pinal na eleksyon bilang presiding officer na nakasaad sa pahayag ni Lacson. Ang anumang pormal na desisyon ay nakadepende pa rin sa Senado kapag muli itong nag-convene para sa impeachment proceedings.