Calendar
Sumitomo Corp. humingi ng paumanhin sa aberya sa MRT-3
HUMINGI ng paumanhin ang MRT-3 maintenance service provider na Sumitomo Corporation pati na ang technical partner nitong TES Philippines Inc., kasunod ng aberya sa MRT-3 Miyerkules.
Sa ipinadalang sulat ng Sumitomo at TES kay Transportation Secretary Banoy Lopez, sinabing iniimbestigahan na nila ang insidente para matiyak ang mga hakbang gagawin nang maiwasan ng maulit pa ang mga ganitong insidente.
Nauna ng ipinag-utos ni Secretary Lopez sa MRT-3 na maglabas ng show cause order lsa Sumitomo at sa mga consultants nito na nagsu-supervise sa maintenace at rehabilitation ng MRT-3.
Gayundin ang pagpapa-sagot sa Sumitomo ng libreng sakay sa mga pasahero ngayong araw.
Ang direktiba ng Pangulo, tiyaking tuloy-tuloy ang maayos na serbisyo ng tren para sa mga komyuter.

