Suspek

2 tulak nasamsaman ng P1.5M droga

Edd Reyes Jun 18, 2026
30 Views

KushNASAMSAM ng mga pulis ang mahigit P1.5 milyong halaga ng ilegal na droga sa apat na drug suspek sa Makati at Parañaque noong Huwebes.

Umabot sa 500 gramo ng marijuana kush at anim na marijuana vape na may halagang P768,000 ang nakumpiska ng mga tauhan ni Makati police chief P/Col. Pedro Alagano, Jr. kina alyas Jon, 21; at Aneng, 18.

Natimbog ang dalawa ng pagbentahan ang pulis na nagpanggap na buyer dakong alas-12:30 ng hatinggabi sa J.P. Rizal St., Brgy. Tejeros, Makati.

Dakong alas-2:40 ng madaling araw natimbog ng mga tauhan ni Parañaque police chief P/Col. Nicolas Pinon sina alyas Gerard at Cristy sa Brgy. San Isidro,

May kabuuang 108 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P734,400 ang nakumpiska mula sa dalawang suspek.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco, ang pagkakadakip sa mga suspek patunay na matatag ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga.