PNP: Tama ginawa ng mga pulis sa NLEX shootout

Alfred Dalizon Jun 29, 2026
35 Views

IGINIIT ng Philippine National Police (PNP) na tama ang ginawa ng mga pulis nang arestuhin ang mga armadong holdaper sa North Luzon Expressway (NLEX) southbound toll plaza sa Bocaue, Bulacan, noong Biyernes.

“We really assure the public that what we did is for their safety. Kung hindi napigilan ang activities ng mga suspects, mas marami pang mabibiktima. Pero no need to panic, ito po ay ginawa po to maintain safety of the community,” sabi ni PNP spokesperson Colonel Allen Rae F. Co.

Bandang alas-5:56 ng hapon pinaputukan ng mga miyembro ng Police Regional Office 3 ang mga nakasakay sa gray Toyota Hi-Ace van kaya nagulo ang mga sasakyan na nakapila para magbayad ng toll.

“Properly identified po ang mga pulis pero pinutukan po sila kaya napilitan po silang gumanti ng putok. We have neutralized threats to the public. Our primordial concern is always the safety of the public and that day, our personnel did everything possible to keep the people safe,” dagdag ni Co..

Ayon kay PRO 3 director Brigadier General Jess Mendez, under surveillance na ang mga suspek.

Ayon sa report, sangkot sa panghoholdap noong June 22 ang mga suspek sa O-Save branch in San Nicolas St., Brgy. San Nicolas in Magalang, Pampanga at P700,000 ang natangay; at isa pang O-Save branch sa Brgy. San Fernando, Victoria, Tarlac na P237,876 ang nakuha.

Kinasuhan ng frustrated murder, illegal possession of firearms and explosives at direct assault ang mga suspek na pawang sugatan sa barilan.