Loren

Legarda: Voucher law mag-uugnay sa public, private schools sa basic education

37 Views

ANG panukalang Basic Education Voucher Program Act ay itinuturing na paraan upang pag-ugnayin ang public at private schools sa pagtugon sa siksikang silid-aralan at pagbibigay sa mas maraming mag-aaral ng access sa mas maluwag na learning environments, ayon kay Sen. Loren Legarda .

Tinanggap ni Legarda ang pag-apruba ng bicameral conference committee sa reconciled version ng Senate Bill No. 1981 at House Bill No. 4744 na layong amyendahan ang Republic Act No. 6728, o ang Government Assistance to Students and Teachers in Private Education Act.

Ayon kay Legarda, layunin ng programa na bawasan ang pressure sa public schools, kung saan patuloy na nakaaapekto sa learning conditions ang overcrowded classrooms at mataas na student-to-teacher ratio.

Bibigyan ng voucher system ang qualified learners ng mas maraming pagpipilian sa pamamagitan ng pagpayag sa kanila na makapag-enroll sa participating private schools sa halip na manatili sa siksikang public classrooms.

“By expanding access to private education through the voucher system, students who would otherwise be crowded into overstretched public schools gain additional opportunities to learn in less congested, more supportive environments,” ani Legarda.

Maaaring maging katuwang ang private schools sa basic education system ng bansa sa pamamagitan ng pagtulong na tumanggap ng mas maraming learners.

Nakapaloob din sa panukala ang accountability requirements para sa participating private schools, kabilang ang quality assurance, national assessments at paglalathala ng performance data.

Makakatanggap din ng suporta ang mga guro sa private schools sa pamamagitan ng in-service training, salary subsidies at graduate scholarships.