Calendar
Batangas City nagkaroon ng Kadiwa ng Pangulo


INILUNSAD ang “Kadiwa ng Pangulo” ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) sa Kampo Heneral Malvar sa Batangas City noong Lunes.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Police Community Affairs and Development Unit sa pamumuno ni P/Col. Oliver Ebora, acting director.
Layunin ng programa na maghatid ng mga pangunahing bilihin sa mas abot-kayang presyo para sa mga kapulisan.
“Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, patuloy na ipinakikita ng Batangas PPO ang malasakit nito sa kapakanan ng kapulisan at ng komunidad, kasabay ng aktibong pakikilahok sa mga programang pangkaunlaran ng pamahalaan,” ayon sa BPPO.
Ang “Kadiwa ng Pangulo” ay inisyatiba alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naglalayong magbigay ng de-kalidad ngunit murang produkto sa mamamayan.

