BOC

Hazardous chemicals tinangkang ipuslit sa bansa

165 Views

KINUMPISKA ng Bureau of Customs (BOC)-Subport of Mactan ang drum-drum na shipment ng hazardous chemicals na tinangka umanong ipuslit sa bansa.

Ang mga hazardous chemicals ay sakay umano ng barko mula sa South Korea at nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

Nakatanggap umano ng tip ang BOC kaya nagsagawa ito ng physical inspection sa barko kung saan nakita ang 8,485 litro ng hazardous chemicals gaya ng Hydrochloric Acid, Potassium Hydroxide, at Sodium Hypochlorite Solution na wala sa manifest o stores list ng barko.