Rape

Suspek sa rape ng bata nahuli matapos ang 7 taon

Edd Reyes Jul 1, 2026
30 Views

TIMBOG sa loob ng gusali ng Hall of Justice ang 54-anyos na pugante na mahigit pitong taon ng nagtatago sa batas bunga ng umano’y panghahalay sa menor-de-edad Martes ng hapon sa Muntinlupa City.

Isinagawa ng mga tauhan ni Muntinlupa police chief P/Col. Olivia Ancheta ang puspusang pagtugis kay alyas “Tatay Charlie” residente ng Joaquin Compound, Barangay Alabang, matapos maitala ang kanyang pangalan bilang No. 2 Most Wanted Person sa lungsod na nahaharap sa mabigat na kasong kriminal

Dakong alas-4:38 ng hapon nang maisilbi sa akusado ang warrant of arrest na inilabas noon pang Marso 20, 2019 ni Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Assisting Judge Wehrly S. Gutierrez-Mendez ng Branch 207 Family Court para sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.

Sinabi ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco na ipinamalas ng pulisya ang pagpupursigi sa pagtugis sa mga taong wanted sa kasong kriminal kahit ilang taon pa silang magtago sa batas.

“The Southern Police District will continue to maximize its tracking operations to ensure that individuals facing serious criminal charges are brought before the law to answer for their actions,” sabi pa ng opisyal.