Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
Calendar
Provincial
Mangingisda nakitang bangkay malapit sa bangka
Gil Aman
Jul 1, 2026
249
Views
HINIHINALANG nalunod ang isang mangingisda matapos matagpuan sa kanyang bangka sa Laguna de Bay sa bahagi ng Bgy. Nanhaya, Victoria,Laguna, Martes ng gabi.
Sa ulat ng Victoria Municipal Police Station, kinilala ang biktima na si alyas Fermin, nasa hustong gulang.
Natagpuan ang bangkay ng biktima bandang 7: 30 ng gabi.
Base sa salaysay ng pamilya, mga bandang alas 5:00 ng hapon nagpaalam ito upang tingnan ang kanyang bangka sa tabi ng lawa.
Pinuntahan ng pamilya ang bangka ng biktima nang hindi ito bumalik sa kanilang tahanan.
Pinuntahan din ng Victoria Rural Health officer kung saan pinaniniwalang nalunod nga ang mangingisda.
Tumanggi ang pamilyang isailalim sa awtopsy ang bangkay ng biktima. Wala ring indikasyon na may foul play sa insidente.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

