Calendar
Sundalo nag-akalang binasura na kasong murder, lumantad, nakorner
SWAK sa selda ang 46-anyos na sundalo ng Philippine Army na nahaharap sa kasong murder may 10 taon na ang nakalilipas matapos maaresto habang nasa bisinidad ng Caloocan Judicial Complex Martes ng hapon sa Caloocan City.
Nagtungo si alyas “Erwin”, residente ng Brgy. Tabuk, Isabela City, Basilan, sa Judicial Complex sa 10th Avenue dakong ala-1:25 ng hapon upang kumuha ng court clearance sa pag-aakalang na-dismiss na ang kanyang kaso na dahilan para siya maaresto ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili.
Nagtago ang sundalo matapos masangkot sa kasong murder at lumutang lang muli sa pag-aakalang sarado na ang usapin matapos ibasura ng hukuman ang kaso laban sa kanyang mga kasama.
Hindi na nakapalag ang akusado nang isilbi sa kanya ng pulisya, kasama ang legal officer ng hukuman, ang warrant of arrest na inilabas noon pang Mayo 16, 2016 ni Caloocan Regional Trial Court (RTC) Assisting Judge Rosalia Hipolito-Bunagan ng Branch 121 ng walang piyansang inirekomenda.
