Calendar
PRO 4A nagparangal sa mga parak
CALACA, Batangas–Pinarangalan ng Batangas Police Provincial Office ang ilang tauhan ng Calaca City police sa ilalim ng programang PRO4A “Agarang Parangal” (On-the-Spot Awarding) noong Huwebes bunsod ng tagumpay na manhunt operation na nagresulta sa pagka aresto sa rank no. 1 at 2 Most Wanted Persons.
Ginawaran ng Medalya ng Kagalingan sina PCPT Rizal Elit Espíritu, PSMS Wilson Delos Reyes, PSMS Ryan Dullaven at PSSg Ronnie Taguibao dahil sa pagganap sa tungkulin.
Kumatawan si P/Lt. Col. Angelito Guardian, Deputy Provincial Director for Administration kay P/Col. Oliver Ebora sa pagtanggap ng mga parangal.
Umalalay sa seremonya sina PLt. Col. Diana Del Rosario, chief of police ng Calaca, at PMaj. Leah Cassandra Manabat, Acting Chief ng Provincial Administrative Resource Management Unit (PARMU).
