Calendar
Paaralan nakunan ng brass knuckles, e-cig
SCIENCE CITY, Nueva Ecija – Kabilang ang brass knuckles at e-cigarettes ang nakumpiska mula sa mga estudyante sa pag-iinspeksyon sa mga paaralan sa lungsod na ito.
Ayon kay city police head Lt. Col. Jackyll I. Bilibli, ang mga ito ay nakumpiska sa mga bag ng estudyante gamit ang metal detectors.
Sinabi ni Bilibli, ang mga ito ay bahagi ng pre-emptive at security measures na isinasagawa sa panahon ng pagpapatupad ng programang Balik-Eskwela ng PNP.
Samantala, bilang bahagi ng pangako ng PNP na matiyak na madaling makakuha ng tulong ang publiko sa pulisya, ang mga hotline number ng Nueva Ecija Police Provincial Office ay idinispley sa harap ng istasyon ng pulisya.
Hiniling ni Bilibli sa publiko na kontakin ang mga hotline number na ito para sa pag-uulat ng mga krimen, emergency at kahina-hinalang aktibidad

