PCSO

Mahigit P100M jackpot ng Ultra, Super Lotto hindi tinamaan

185 Views

WALANG tumama sa jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58, at Super Lotto 6/49 na kapwa mahigit ng P100 milyon sa bola Linggo ng gabi, Oktubre 9.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) umabot sa P117.7 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa naturang bola kung saan lumabas ang winning number combination na 24-01-25-09-39-47.

Nanalo naman ng tig-P120,000 ang tatlong mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.

Umabot naman sa P138.3 milyon ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49.

Sa bola noong Oktubre 9 ay walang nakakuha sa winning number combination na 40-03-16-01-35-15.

Labing walo naman ang nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas at nanalo ng tig-P50,000.

Inaasahan na lalo pang lalaki ang jackpot prize sa susunod na bola.