Bitrics

Issue ng confidential funds ang susunod na tatatalakayin ng prosekusyon

Mar Rodriguez Jul 16, 2026
27 Views

ANG tututukan o tatalakayin ng House prosecution panel sa susunod na pagdinig ng Senate impeachment court ay ang kontrobersiyal na issue ng confidential funds na ipinupukol din laban kay Vice President Sara Z. Duterte, ayon kay Batangas Rep. Jerville “Jinky Bitrics” Luistro.

Ayon kay Luistro (lead prosecutor), halos kumpleto na ang kaso sa umano’y pagbabanta ni VP Sara laban kina President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kaya handa ang House prosecution team na talakayin ang isyu ng confidential funds.

Sinabi ni Luistro na handa na silang lumipat sa pagtalakay sa artikulo ng impeachment na may kaugnayan sa di-umano’y maling paggamit ng *confidential funds nh Bise Presidente matapos nilang makumpleto ang paglalatag ng ebidensya kaugnay ng kasong nag-uugnay sa kanya sa umano’y pagbabanta laban sa pinakamataas na opisyal ng bansa.

Ipinaliwanag ni Luistro na itinuturing na ng prosekusyon na halos kumpleto na ang kanilang kaso sa ilalim ng Article IV ng impeachment at tanging testimonya na lamang ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang natitira.

Mas maaga ring inanunsyo ng prosekusyon na inalis nila ang anim pang testigo mula sa kanilang listahan, bukod kina dating chief of staff ni Duterte na si Atty. Zuleika Lopez at House Legislative Security Bureau (LSB) Executive Director Capt. Belinda Bello.

“The reason for the withdrawal ay dahil malakas na ang kaso, kumpleto na ang ebidensya,” wika ni Luistro.

Nabatid pa sa Lady solon na nakatakdang tumestigo si Matibag sa darating na Martes sa susunod na linggo bilang huling testigo ng prosekusyon para sa Article IV na nag-aakusa kay Duterte ng culpable violation of the Constitution, high crimes at betrayal of public trust dahil sa kanyang mga pahayag noong Nobyembre 23, 2024 na umano’y nag-utos siya sa isang tao na patayin sina Pangulong Marcos Jr., sa Unang Ginang, at noo’y House Speaker Romualdez kung siya mismo ay mapapatay.

Sabi ni Luistro na makukumpleto sa testimonya ni Matibag ang paglalatag ng prosekusyon kaugnay ng kasong pagbabanta.

“After the conclusion of the testimony of the NBI director, it is really our position that we have established already completely, thoroughly, the case of threat, destabilization, and having contracted an assassin as constituting impeachable offenses under the ground of culpable violation of the Constitution, high crime, and betrayal of public trust,” ayon kay Luistro.

Ayon pa sa chairperson ng House Committee on Justice, wala nang dahilan upang patagalin pa ang paglilitis kung naipakita na ng prosekusyon ang kanilang kaso.

“We should not waste the time of the impeachment court. We have to proceed immediately to the next Article in accordance with the order which we submitted to the impeachment court. And the next is confidential funds,” dagdag pa ng kongresista.