Calendar
P1.49M shabu nakuha sa ‘tulak’ sa Batangas

BATANGAS CITY–Huli sa mga pulis ang 32-anyos na pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga at nakuhanan ng P1.49 milyon na halaga ng hinihinalang shabu sa Brgy. Sta. Clara ng syudad na ito noong Huwebes.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas Ragem na nasakote ng Batangas City Police-CDEU at PDEA bandang alas-12:25 ng hatinggabi sa pamumuno ni P/Col. Oliver Ebora.
Kumagat sa pain si Ragem matapos magbenta ng isang pakete ng hinihinalang shabu sa undercover cop at ng kapkapan tumambad ang 220 na gramo ng shabu na may halagang P496,000, ayon sa pulisya.
Narekober din ang buy-bust money, siyam na pirasong boodle money, P500 cash na kita umano sa droga at isang itim na pouch.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

