Shabu, marijuana nakumpiska sa 2 suspek na tulak

Gil Aman Jul 23, 2026
109 Views

DALAWANG drug personalities ang nahulihan ng mahigit P35,000 na halaga ng shabu, marijuana at dalawang baril sa Mayor’s Drive, Brgy. F. De Castro, General Mariano Alvarez, Cavite noong Martes.

Nasukol ang dalawang suspek na kinilalang sina alyas Biboy at Reca.

Pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis nang magtangkang tumakas subalit na intercept ang Hyundai Starex (WBP 746) ng mga suspek ng mga nagrespondeng pulis.

Isinagawa ang drug operation bandang alas 8:15 ng gabi kasabay sa pagkakumpiska sa ng 5 gramo ng shabu na may estimated halaga ng P34,000 at 15 gramo ng marijuana na may halagang P1,800.

Nakumpiska din ang 1 Beretta, 4 na bala at magazine at 1 cal .38 revolver.

Kasong illegal drugs at illegal possession ng baril ang isasampa laban sa mga suspek.