Calendar
Kung pakiusap ni VP Sara susundin, Senado baka maharap sa procurement compliant
MAAARING maharap sa “procurement complaint” ang Senado kung pagbibigyan ang “kapritchosong” kahilingan ni Vice President Sara Duterte na sagutin ang gastusin sa pagkain at iba pang logistical requirements ng kaniyang defense panel.
Nagbabala si House prosecutor at Bicol Saro Party List Rep. Terry Ridon na maaaring malagay sa alanganin ang Senado at maharap sa “procurement complaint” kung pagbibigyan nito ang kahilingan.
Ang pahayag ni Ridon ay kaugnay sa kahilingan ni VP Duterte na ang Senado ang magbayad para sa catering at iba pang gastusin ng depensa habang isinasagawa ang Senate impeachment trial.
“I think the OVP (Office of the Vice President) is basically opening up the Senate for a procurement case.
Parang ang gusto nila, sarili nilang caterer, pero ang tagabayad ibang tao,” ayon kay Ridon.
Ang naturang kahilingan ay tila higit pa sa isang simpleng pakiusap.
“I think it looked like a demand from the OVP, from the Vice President herself, for the Senate to actually pay for the food expenses of the defense panel,” aniya.
Walang obligasyon ang Senate Impeachment Court na sagutin ang gastusin sa pagkain ng alinmang panig sa paglilitis.
“Wala hong obligasyon ang Senate Impeachment Court para bayaran ang pagkain ng kahit sinuman, whether ng prosecution o ng defense,” sabi pa ni Ridon.
Binigyang-diin din niya na kapwa may nakalaang pondo ang prosekusyon at depensa upang tustusan ang kanilang partisipasyon sa impeachment proceedings.
Ayon kay Ridon, nasa Senado na ang pagpapasya kung paano nito tutugunan ang naturang kahilingan ng Office of the Vice President.
