Phivolcs

Magnitude 4.6 lindol yumanig sa E.Samar

141 Views

Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.6 ang malaking bahagi ng Visayas, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naramdaman ang lindol alas-9:57 ng umaga ng Oktobre 17 at ang epicenter nito ay 10 kilometro sa silangan ng Giporlos, Eastern Samar.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity IV – Giporlos, Lawaan, Quinapondan, Balangiga at Gen. MacArthur, Eastern Samar

Intensity III – Hernani, Llorente at Maydolong, Eastern Samar; Marabut at Santa Rita, Samar; Tacloban City, Palo at Babatngon, Leyte

Intensity II – Borongan City, Sulat at Taft Eastern Samar, Catbalogan City, Samar; Alangalang, Dulag, Abuyog at Tolosa, Leyte

Intensity I – Julita,Leyte

Instrumental Intensity:

Intensity III – Borongan City, Eastern Samar

Intensity II – Abuyog, Leyte; Catbalogan City, Samar

Intensity I – Javier, Alangalang at Dulag, Leyte