Calendar
DMW, CAAP nagbukas ng Kapihan sa Tahanan sa DIA
INILUNSAD ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Kapihan sa Tahanan sa Francisco Bangoy International Airport (Davao International Airport) katuwang ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa mas accessible na serbisyo para sa mga overseas Filipino worker (OFW).
Pinangunahan ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac ang inagurasyon kasama sina DMW Undersecretary Dominique Rubia-Tutay, DOTr Acting Secretary Atty. Giovanni Lopez, MinDA Secretary Leo Teres Magno, CAAP Director General Raul Del Rosario at OWWA Deputy Administrator Ryan Vincent Uy.
Layunin ng Kapihan sa Tahanan ang accessible government services para sa mga OFWs bago ang kanilang pag-alis.
Ito’y isang komportableng pasilidad na nagbibigay ng ligtas at maayos na lugar para sa impormasyon at agarang tulong.
Batay sa RA 11641, pamamahalaan ng DMW ang araw-araw na operasyon ng Kapihan sa Tahanan, kabilang ang pagbibigay ng impormasyon, client support at coordinated frontline interventions.
Ang Kapihan sa Tahanan ay sumisimbolo ng pinatibay na suporta ng pamahalaan sa mga OFWs.

