Calendar
Mastermind sa pamamaril sa Bataan pinosasan
ORION, Bataan–Naaresto ang umano’y mastermind sa pamamaril noong Hulyo 24 sa Brgy. Sto. Domingo, Orion, Bataan, ayon kay Bataan Police Provincial Office chief Col. Marites Salvadora.
Inambus ang biktima sa harapan ng convenience store sa Brgy. Sto. Domingo na nagresulta sa pagkamatay nito.
Tumakas ang mga suspek patungong Limay.
Sinabi ni Col. Salvadora na sa loob ng pitong oras ang suspek ay nahuli agad ng Bataan police.
Ang naarestong suspek ay nasa Orion police station at nahaharap sa kasong murder.
Isang hot pursuit operations ang isinasagawa ng pulis para makilala at mahuli ang mga iba pang suspek.
“The Bataan PNP remains relentless in its operations to ensure that justice is served and will continue to pursue all leads and take decisive action to bring the remaining suspects to the bar of justice,” sabi ng hepe ng pulis.

