Houston

PH Consulate sa Houston inaprubahan 154 Pinoy voters

39 Views

Houston1INAPRUBAHAN ng Resident Election Registration Board (RERB) ng Philippine Consulate General sa Houston ang 154 na aplikasyon para sa overseas voting, ayon kina Konsul Von Ryan Pangwi, Rowena Ricafort at Hazel Kayne Cervantes.

Sakop ng napagtibay na mga aplikasyon ang pagpaparehistro, sertipikasyon, pagwawasto ng mga entry at paglilipat ng mga rekurso ng mga Pinoy na nagsumite mula Abril 1 hanggang Hunyo 30.

Hinihikayat ng Konsulado Heneral ang mga kwalipikadong Pilipino sa timog-gitnang Estados Unidos na magparehistro para sa nakatakdang halalan.

Maaari nang magparehistro ang mga Pilipino edad 18 pataas.

Kabilang dito ang mga overseas Filipino workers (OFW) pati ang mga imigrante at mga dual citizens.

Para sa mga nagnanais magparehistro, kailangang magtungo sa Konsulado Heneral at magprisinta ng valid Philippine passport o Seafarer’s Record Book (SRB).