SB19

SB19 pinakabagong tourism ambassadors

Jon-jon Reyes Jul 26, 2026
44 Views

ITINALAGA ng Department of Tourism (DOT) ang SB19 na pinakabagong Tourism ambassador ng Pilipinas.

Ang anunsyo kasunod ng digital activation na nagbigay sa A’TIN—ang global fanbase ng SB19—kung ano ang bago sa grupo.

Bago ang tour ng grupo sa US at Japan, nagpadala ang DOT ng “Galingbayan” box sa limang miyembro bilang pabaon, na ibinahagi rin sa kanilang opisyal na social media platform na @TourismPhilippines.

Ang balikbayan box ay isa sa mga pinakamahalagang simbolo ng kulturang Pilipino at sumisimbolo sa pagmamahal na ipinapahayag sa pamamagitan ng sakripisyo.

Ang paghirang sa grupo ay kasunod ng panayam kay Tourism Secretary Dita Angara-Mathay kung saan nagpahiwatig na dalawang P-Pop group ang itatalaga bilang susunod na tourism ambassadors ng Pilipinas.

“Hindi matatawaran ang talento ng SB19—makapangyarihan ang kanilang musika, gayundin ang kanilang impluwensya. Abot-kamay nila ang mga tagahanga sa iba’t ibang panig ng Estados Unidos, Europa, ASEAN, at iba pang mga rehiyon,” sabi ng secretary.

“Nakikita rin natin ang parehong sitwasyon sa ASEAN, kung saan napakalakas din ng fandom ng SB19, at kung saan mas madaling kumilos dahil sa mas maikling biyahe,” dagdag ni Secretary Angara-Mathay.

Bilang mga Tourism ambassador, makikipagtulungan ang SB19 sa DOT upang hikayatin ang A’TIN sa buong mundo na bisitahin ang Pilipinas at personal na maranasan ang kultura nito.

Ang impluwensyang ito ay umaabot nang higit pa sa mga hangganan ng Pilipinas.

Nakabuo ang SB19 ng mga grupo ng A’TIN sa iba’t-ibang bahagi ng ASEAN, Estados Unidos, Germany, at United Arab Emirates bukod sa iba pang mga bansa.

Kilala sa personal na pagbuo ng konsepto para sa kanilang mga music video at content, matagal nang isinasama ng limang miyembro ng SB19 ang kulturang Pilipino sa kanilang sining.

Dumarating ang partnership na ito sa panahong itinatampok ng SB19 ang bandila ng Pilipinas sa pamamagitan ng serye ng mga tagumpay sa pandaigdigang entablado.

Sa Hulyo 29, sila ang gagawa ng ceremonial first pitch sa paghaharap ng Chicago White Sox at New York Yankees.

Sa Hulyo 30, sila ang magiging unang grupong Pilipino na magtatanghal sa Lollapalooza sa Grant Park, Chicago.

Nakatakdang tapusin ng DOT at SB19 ang mga detalye para sa serye ng mga susunod na aktibidad na magtatampok sa pinakamahusay na aspeto ng turismo sa Pilipinas.