Batangas

Pulis sa Lipa umaksyon agad vs banta sa Marawoy HS

20 Views

Batangas1

LIPA CITY, Batangas — Alerto ang Lipa Component City Police dahil sa banta ng pamamaril at pananaksak sa Inosloban-Marawoy Integrated National High School sa Brgy. Marawoy ng syudad na ito.

Nadiskubre ng saksi na si Melvin Porillo Linatoc bandang alas-5:45 ng umaga ang isang nakatuping papel na nakasingit sa pinto ng faculty room.

Nakasaad sa sulat ang banta sa buhay ng mga guro sa Grade 9 at mga mag-aaral na diumano’y magaganap ngayong linggo.

Agad itong ipinaalam sa pamunuan ng paaralan at sa pulisya.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa pamamagitan ng pagkuha ng pahayag mula sa mga guro at pagrepaso sa mga CCTV footage sa lugar.