Bigas

1,757 PAMILYA SA PUERTO GALERA, NABIAYAAN NG TULONG-BIGAS MULA SA PAMAHALAAN

Helen D. Prado Aug 5, 2026
24 Views

BigasPUERTO GALERA, Oriental Mindoro — Umabot sa 1,757 mahihirap na pamilya sa bayan ng Puerto Galera ang nakatanggap ng tig-10 kilong bigas sa ilalim ng Food Assistance Project ng Pamahalaang Nasyunal.

Ang nasabing inisyatibo ay isinakatuparan sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., upang magpaabot ng direktang suporta at tulong-pagkain sa mga mamamayan.

Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Bonz Dolor, mabilis at maayos na ipinalabas ang ayuda para sa mga pamilyang higit na nangangailangan sa naturang bayan.

Layunin ng proyektong ito na maibsan ang pang-araw-araw na gastusin at tiyakin ang seguridad sa pagkain ng mga pamilyang kabilang sa marginalized sector sa lalawigan.