Slay mama 10!
Aug 9, 2026
Calendar
Nation
PCG-NY nag-host ng 28th PSK
Jojo Cesar Magsombol
Aug 7, 2026
49
Views


GINANAP ang 28th Paaralan sa Konsulado (PSK) noong Agosto 1 sa Philippine Consulate General sa New York, USA (PCG-NY) na may temang “Pinag-aaralan ang Nakaraan, Hinuhubog ang Kinabukasan.”
Pinayabong ng programa ang kaalaman ng kabataang Fil-Am sa Filipino, kasaysayan, at kultura.
Ang PSK ay tuloy-tuloy na naglilingkod sa komunidad mula pa noong 1999 katulong ang Association of Fil-Am Teachers of America (AFTA).
Tampok sa taong ito ang mga lectures ukol sa mga mithiin ni Jose Rizal kasama ang Knights of Rizal-Long Island Chapter.
Pinarangalan ng Konsulado ang lahat ng guro, magulang at volunteers na nag-alay ng panahon para sa tagumpay ng aktibidad.
Exhibition ng mga Pinay nurse ginanap sa Chicago
Aug 9, 2026
Arnis competition sa mga rehiyon nais palawakin
Aug 9, 2026

