Calendar
Drivers, operators may dagdag na tulong galing sa DOTr
INILATAG ng Department of Transportation (DOTr) ang dagdag na tulong sa mga drivers at operators na naapektuhan ng mataas na presyo ng langis bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kabilang sa mga dagdag na tulong ang ₱1.5 billion para sa buwanang amortization ng mga modern jeepney; P12 kada litro na fuel discount, pinalawig na libreng terminal fee sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX); at libreng monthly membership fee sa 86 SM transport terminals.
Epektibo na rin simula noong August 10 ang libreng toll para sa mga provincial buses, kung saan makakatipid ng P2,337 para sa one-way na biyahe o P4,674 para sa balikang biyahe ang bawat unit ng bus na dumadaan sa North Luzon Expressway (NLEX), Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEX) at Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEX).
Para sa mga provincial buses na dumadaan sa South Luzon Expressway (SLEX), makakatipid ng P511 ang bawat bus unit mula Magallanes sa Makati papuntang Calamba sa Laguna o katumbas ng P1,022 para sa balikang biyahe.
Samantala, isasama na rin ang mga transport group sa UPLIFT Assistance Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
