Baccay

Krimen sa Calabarzon bumaba sa pamumuno ng PRO4A ni Baccay

27 Views

Baccay1Baccay2

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna — Bumaba ng 27.18 porsiyento ang antas ng krimen sa rehiyon ng Calabarzon sa loob lamang ng unang buwan ng pamumuno ni Police Brigadier General Dominic L. Baccay bilang Acting Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 4A.

Ayon sa datos ng PRO 4A, bumaba sa 225 insidente ang walong pangunahing krimen mula sa dating 309 insidente sa kaparehong panahon.

Samantala, umabot sa 51.54% ang pangkalahatang ibinaba ng krimen sa rehiyon mula nang ipatupad ang Safer Cities Initiative noong Abril.

Sa ilalim ng B.E.S.T. Strategies Against Sexual Offenders, nasakote ng pulisya ang 336 indibidwal, kabilang ang dalawang wanted sa kasong panggagahasa sa mga menor de edad na sina alyas Jessie (Rank No. 6) at alyas Emil (Rank No. 9).

Umabot sa 1,239 wanted persons ang naaresto sa buong rehiyon. Nahuli si alyas Ronnel (Rank No. 1) sa Sorsogon City matapos ang halos limang taong pagtatago sa batas.

Nakapagsagawa ng 923 operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng 1,195 personalidad at nasamsam ang mahigit 4,090 gramo ng shabu at 5,987 gramo ng marijuana na may kabuuang halagang P28.9 milyon.

Umabot naman sa P39.9 milyong halaga ng produktong petrolyo ang nasamsam at 27 indibidwal ang naaresto sa limang operasyon, habang 154 operasyon laban sa smuggling ng sigarilyo, illegal logging, at illegal fishing at nadakip ang 165 at pagkakabawi ng mga smuggled items na nagkakahalaga ng PhP 4.6 milyon.

Umabot sa 481 baril ang nakumpiska, nabawi, at isinuko—isang pagtaas ng 30.35% kumpara sa nakaraang buwan at umabot sa 135 indibidwal ang kinasuhan kaugnay nito.

Nahuli rin si alyas Bobby, ang huling kasapi ng nawasak na Paz Gun-for-Hire Group, at si alyas Jaustino na nahulihan ng limang baril.