Property developers may tie-up sa 4PH program
Oct 11, 2026
Timpi na malala si host ki na OA
Oct 11, 2026
Calendar
Ang pinagnakawang simbahan. GIL AMAN
Provincial
Simbahan pinagnakawan sa kasagsagan ng ulan
Gil Aman
Aug 12, 2026
157
Views


Mga kuha ni GIL AMAN
NINAKAW ang mga antigong gamit ng Saint Joaquin at Saint Anne Parish Church ng di pa kilalang mga kawatan sa Brgy. Calumpang, Liliw,Laguna.
Tatlong beses na umanong sumalakay ang mga magnanakaw at ang pinakahuli ay nitong Agosto 6, 2026.
Base sa imbestigasyon ng Liliw police, ang mga magnanakaw ay dumaan sa likuran ng simbahan sa kasagsagan ng ulan.
Kabilang sa mga ninakaw ang tatlong piraso ng kandelabra na nagkakahalaga diumano ng P58,000, tatlong bell na may halagang P30,000 at chalis na aabot ng P10,000 ang halaga.
Nanawagan ang pamunuan ng Saint Jauquin and Anne Parish Church sa kung sino man ang napagbentahan ng ninakaw na banal na gamit sa simbahan ay agad ipagbigay alam sa kinauukulan.
May person of interest na umano ang Liliw police.
61 pugante huli sa Calabarzon
Oct 11, 2026
Puregold-Sta. Cruz may bomba raw; walang sumabog
Oct 11, 2026
61 Pugante, Huli sa CALABARZON
Oct 11, 2026
Mag-jowa tiklo sa Batangas; P1M shabu, boga kubra
Oct 10, 2026
Boto ng mga katutubo, itinulak ng COMELEC sa Palawan
Oct 10, 2026

