EV

Bataan maglalagay ng mga EV charging stations

Christian Supnad Aug 14, 2026
20 Views

THE BUNKER, Bataan–Magtatayo ng electric vehicle (EV) charging stations lalawigang ito at Department of Public Works and Highways para sa mga EVs.

Sa miting noong Miyerkules ni Gov. Joet S. Garcia sa mga opisyal ng barangay, muli niya silang hinikayat na maging katuwang sa pagsusulong ng paggamit ng EVs.

“Ibinahagi po natin sa kanila na malaki ang matitipid sa kanilang pondo kung EV ang kanilang gagamitin dahil mas mababa ang gastos sa pag-charge kumpara sa gasolina, lalo pa’t magtatayo ang ating Pamahalaang Panlalawigan, Department of Public Works and Highways (DPWH), at V-Green ng mga EV charging stations sa iba’t-ibang bahagi ng ating Lalawigan.

Bukod dito, matutulungan din po natin sila na makabili ng EV sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga bangko ng pamahalaan para sa abot-kayang loan program,” ani Gov. Garcia.

Kasabay ng pagpupulong, pinangunahan din ng gobernador ang pamamahagi ng tulong pinansyal mula sa pamahalaang nasyonal na magagamit sa pagsasakatuparan ng mga proyektong pangkaunlaran.