Minor SP

MinOr SP dininig panukala ni Gob. Bonz

Helen D. Prado Aug 14, 2026
31 Views

Minor SPLUNGSOD ng Calapan–Nagkaroon ng pampublikong pagdinig ng mga komite ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Mindoro Oriental sa panukalang inihain ni Gob. Humerlito “Bonz” Dolor na “An Ordinance Establishing a Provincial Farmgate Price Review System for Live Hogs, Regulating Commercial Livestock Buyers, Promoting Fair Farmgate Trading Practices, Protecting the Welfare of Local Hog Raisers and for Other Purposes.”

Pinangunahan ang pagdinig ni SP Committee on Agriculture, Food, Aquaculture and Fisheries Resources and Agrarian Reform Chairperson Board Member Alely Casubuan Tan, kasama ang Committee on Laws, Ordinances and Other Matters na pinamumunuan ni Bokal Atty. Rolando H. Ruga.

Ipinaliwanag nina Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II at Provincial Legal Officer Atty. Francheska Laurent L. Feraren ang mahahalagang probisyon na nakapaloob sa panukalang ordinansa.

Ayon kay PA Turano, ang panukalang ordinansa ay isa lamang sa mga intervention ng Pamahalaang Panlalawigan upang matulungan ang sektor ng pagbababuyan. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagbabalanse sa tatlong pangunahing sektor sa kalakalan ng baboy—ang hog raisers, traders, at consumers.

Nagpahayag ng mga mungkahi ang mga dumalong miyembro ng SP hinggil sa mga probisyon ng panukalang ordinansa, partikular sa legal na aspetong maaaring kaharapin kapag ito ay naaprubahan.

Nakiisa rin sa pagdinig si Bise Gobernador Antonio S. Perez, Jr., kasama ang mga bokal na sina Voltaire Brucal, Jean Paulo Umali, Anthony Yap, Ryan Z. Arago, Atty. Emmanuel Buenaventura at IPMR Lagtum Pasag.

Dumalo rin sa pagdinig ang mga miyembro ng Provincial Price and Coordinating Council at mga kinatawan mula sa Department of Agriculture.

Ang mga napag-usapan sa pagdinig ay isasama sa pangalawang draft ng panukalang ordinansa na isusumite ng Provincial Legal Office at tatalakayin sa susunod na pagdinig ng SP.