Calendar
Lacson sa senator-judges: Sundin 2-min limit sa pagtatanong
NANAWAGAN si Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa kapuwa senator-judges na sundin ang dalawang minutong limit sa pagtatanong sa mga testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
“Kailangan naming ipakita may discipline kami. Pag sinabing two minutes, dapat two minutes,” ani Lacson.
Ang senator-judge ay senador na gumaganap bilang hukom habang nakaupo ang Senado bilang impeachment court.
Sinabi ni Lacson na dalawang minuto ang itinakdang oras para sa pagtatanong ng bawat senator-judge sa mga testigo.
Sa impeachment trial nitong linggo, tumigil si Lacson sa pagtatanong sa isang auditor ng Commission on Audit nang tumunog ang kampana na hudyat na ubos na ang kanyang oras.
Hinimok siya ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Francis Escudero na ipagpatuloy ang pagtatanong.
Pabirong sinabi ni Lacson na maaaring gumamit ng mas malakas na paalala ang empleyado ng Senado na nakatalaga sa pagtunog ng kampana, kapag ubos na ang oras ng isang senator-judge.

