Wanted

MWP dahil sa gahasa ng menor de edad kulong na

154 Views

Wanted1Wanted2

LIPA CITY — Rehas na bakal ang kinahinatnan ng isang 60-anyos na lalaki matapos madakip ng Batangas PPO noong Biyernes sa Bloomfields Subdivision, Brgy. Tambo, sa lungsod na ito.

Kinilala ng Mataas na Kahoy Municipal Police Station ang naarestong suspek na sina alyas Rambo, walang trabaho at residente ng Brgy. 10, sa lungsod ng Lipa.

Nahuli ang suspek sa bisa ng warrant na inisyu ng RTC Branch 2, Lipa City para sa kasong qualified rape ng isang menor de edad.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Binigyang-diin ni PCol. Oliver B. Ebora, Acting Provincial Director ng Batangas PPO, na patuloy nilang gigipitin ang mga wanted sa lalawigan upang maipatupad ang hustisya at mapanatiling ligtas ang mamamayan ng Batangas.

Nasa kustodiya na ngayon ng Mataas na Kahoy MPS ang akusado para sa kaukulang disposisyon ng korte.