Calendar
Sen. Erwin Tulfo, chair ng Senate committee on energy
System loss charges kinuwestiyon ni Tulfo
NANAWAGAN si Sen. Erwin Tulfo na alisin ang system loss charges sa singil sa kuryente sa hearing ng Senate committee on energy.
Tinatalakay ng mga senador kung aling gastos at pagkalugi sa sistema ng kuryente ang maaaring makatuwirang ipasa sa mga consumer at alin ang dapat sagutin ng mga entity na namamahala sa mga ito.
Iginiit niya na pinahihintulutan ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) ang mga electric cooperative na ipasa sa mga consumer ang system-loss charges at sinabi niyang nababawasan dahil dito ang insentibo ng mga ito na mamuhunan sa imprastraktura.
“We must ensure that every charge passed on to consumers is properly computed, reasonable, justified and no more than what they should rightfully pay,” sinabi ni Tulfo.
Kinuwestiyon din ni Tulfo ang pagpapatupad ng Republic Act (RA) 7832 o Anti-Pilferage Act, partikular ang pagtrato sa mga pagkalugi dulot ng pagnanakaw ng kuryente, illegal tapping at meter tampering.
Dapat suriin ang mga naturang pagkalugi sa pagtukoy kung aling gastos ang maaaring ipasa sa mga consumer.
Batay sa datos ng Philippine National Police na binanggit ni Tulfo, 21 lamang sa 469 kasong may paglabag sa RA 7832 mula 2022 hanggang Agosto 18, 2026, ang nauwi sa conviction.

