Drugs

Droga, boga nakuha sa lalaki sa Taal

142 Views

Drugs2

TAAL, Batangas — Timbog ang isang lalaki noong Miyerkules matapos masamsaman ng ilegal na droga at baril sa Brgy. Apacay ng bayang ito.

Sa ulat ng Taal police, nadakip sa pamumuno ni PMaj. Charlie Reyes si alyas Jeffrey bandang alas-6:20 ng umaga batay sa search warrant para sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Inisyu ni Executive Judge Angelina Mailom-Orendain ng RTC Fourth Judicial Region, Calamba City ang warrant laban sa suspek.

Nakuha sa suspek ang isang cal .38, tatlong bala, hinihinalang shabu na na 2.57 gramo at ng P17,467 na halaga ng iba’t-ibang drug paraphernalia

Ang imbentaryo ng mga ebidensya ay sinaksihan nina Kapitan Ricky Villanueva at Konsehal Celestino Maneja at kinatawan ng media na si Lito Rendora.

Nakakulong ang suspek sa custodial facility ng Taal police at nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).