NAGA

Robredo suportado Responsableng Panonood Drive ng MTRCB

21 Views

NAGA CITY, CAMARINES SUR — Inihayag ni Naga City Mayor Maria Leonor “Leni” Robredo ang kanyang buong suporta para sa Responsableng Panonood Program ng Movie and Television
Review and Classification Board (MTRCB) at kanyang pinuri si Chairperson at CEO Lala Sotto at ang buong Ahensiya sa pagsulong nito sa adbokasiya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa isang pulong-balitaan kasama si Sotto nitong Lunes, 24 Agosto 2026, sinabi ni Robredo na napapanahon ang developmental initiative ng MTRCB, laluna sa gitna ng mga pagsubok na kinakaharap ng mga magulang, guro at komunidad sa pagprotekta sa mga bata mula sa harmful media content at online influence.

“You visited us at a most opportune time. Dahil marami na rin kaming problema, just like the rest of the country, because of the influence of what the kids see online, ay nahihirapan din kami how to manage,” sabi ng punong-lungsod ng Naga.

Kinilala din ni Robredo ang proactive effort ng MTRCB na turuan ang mga pamilya, guro, lokal na opisyal at komunidad tungkol sa responsible viewing habits at age-appropriate classification.

“Alam namin na doble hirap ‘yung trabaho niyo ngayon, because there are a lot of things [that are] out of your control. Pero we are very grateful that you came over to visit us, dahil pagpapatunay ito para sa amin na we are all in this together,” sabi ni Robredo.

Laking pasasalamat niya sa Ahensiya na hindi nagpatinag sa mga balakid at patuloy na isinagawa ang Responsableng Panonood Program.

“So nagpapasalamat kami sa MTRCB na hindi hinayaan ‘yung limitations to get in the way of doing things. That you have been going around the country to advocate for more responsible viewing, not just as far as movies and television are concerned, but lalung-lalo na with the content that people see online,” dagdag ni Robredo.

Ipinaliwanag naman ni Sotto na bagamat ang Responsableng Panonood Program ay tinututukan ang grassroots education at participation, isa itong responsive whole-of-nation approach upang tiyakin na ligtas ang mga bata mula sa masasamang impluwensya sa media at online platforms.

“Ito po ay whole-of-nation approach. Hindi kayang mag-isa ng Mayor or ng local government unit (LGU). Kinakailangan ang kooperasyon, koordinasyon ng ating educational sector, ng ating mga
magulang and the government as well,” diin ng MTRCB Chair bilang panawagan sa mga pamilya na gampanan ang kanilang tungkulin na protektahan ang kanilang mga anak.

“We would like to equip and empower, most especially the parents and supervising adults, as to the safeguards, security measures and the parental control features na puwede nating i-utilize para sa kapakanan ng ating kabataan,” dagdag ni Sotto.

Hinikayat din niya ang mga magulang at guro na makipagtulungan sa Ahensiya na siguruhin na naiintindihan at ginagamit ng mga pamilya ang age-appropriate classifications at ratings sa paggabay
sa panonood ng kanilang mga anak.

Pinangunahan nina MTRCB Vice Chair Juan “Johnny” Revilla at Board Members Eloisa “Wise” Matias, Carmen “Keats” Musngi, Almira Muhlach at Richard Reynoso ang masiglang talakayan at palitan ng opinyon tungkol sa Responsableng Panonood at PROTECT Framework ng MTRCB.

Dumalo ang mga magulang, kinatawan ng mga parent-teacher groups at senior citizens mula sa iba’t ibang komunidad sa Naga City sa Responsableng Panonood Program ng MTRCB nitong nakaraang Lunes.