Cotabato

Bag naiwan sa Cotabato Airport, naibalik ng OTS sa pasahero

Jun I Legaspi Aug 26, 2026
25 Views

MULING pinatunayan ng Office for Transportation Security (OTS) ang kanilang katapatan at dedikasyon sa serbisyo publiko matapos maibalik ang isang naiwan na bag na naglalaman ng laptop at smartphone sa Cotabato Airport noong Agosto 25, 2026.

Habang nasa checkpoint, napansin ni Security Screening Officer (SSO) Thea Marie Sibla ang isang bag na naiwan sa inspection table. Agad niya itong isinailalim sa safekeeping. Makalipas ang ilang sandali, bumalik ang pasahero ng Philippine Airlines Flight DG 2960 patungong Maynila at nagpakita ng wastong ID at tamang paglalarawan ng gamit bago ito naibalik.

Pinuri ni OTS Administrator Usec. Gilberto DC Cruz si SSO Sibla sa kanyang integridad at propesyonalismo:

“Honesty is at the heart of public service. This simple act of doing what is right strengthens the public’s trust in our people and our agency.”

Ang insidente ay kaayon ng panawagan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na panatilihin ang integridad, pananagutan, at tiwala ng publiko sa lahat ng kawani ng pamahalaan.