Veloso

Emergency loan program inihahanda para sa masasalanta ng bagyo

124 Views

Isang emergency loan program ang inihahanda ng Government Service Insurance System (GSIS) para sa mga miyembro at pensyonado nito na maaapektuhan ng bagyong Paeng.

Ayon kay GSIS president at General manager Wick Veloso ang mga maaapektuhan ng paparating na bagyo ay maaaring mangutang ng hanggang P40,000.

Naglaan umano ang GSIS ng P1.5 bilyon para sa emergency loan para sa mga nagdaang kalamidad.