MWP

60-anyos himas selda sa sex assault, tangkang gahasa

40 Views

MWP1MWP2

BATANGAS CITY–Nadakip ng mga miyembro ng Batangas police ang 60-anyos na no. 1 most wanted person sa provincial level sa manhunt noong Agosto 25 sa Brgy. Santa Clara ng lungsod na ito ang suspek sa mga kasong sexual assault, attempted rape at statutory acts of lasciviousness.

Ang suspek, si alyas Andresito, naaresto sa bisa ng warrant of arrest arrest na inisyu ng Lipa City Family Court Branch 2 at pwedeng lumaya pansamantala kung makakapag-piyansa ng P556,000.

Nahaharap ang suspek sa dalawang bilang ng sexual assault, attempted rape at statutory acts of lasciviousness.

Ayon kay PCol. Oliver Ebora, hepe ng Batangas police, naitala sa body-worn camera ang buong operasyon at nasunod ang Miranda Rights ng suspek na nakakulong na sa Batangas City police station.