After Acosta, tetestigo ba si Lachica?–Villanueva

32 Views

TINANONG ni senator-judge Joel Villanueva kung tatawagin bilang testigo si dating Office of the Vice President security officer Col. Raymund Dante Lachica matapos sabihin ni OVP special disbursing officer Gina Acosta na wala siyang personal na kaalaman kung paano aktuwal na ginamit ang confidential funds.

Sinabi ni House Private Prosecutor Atty. Amando Virgil Ligutan na kabilang si Lachica sa mga testigong balak iharap ng prosecution, ngunit pagpapasyahan pa nito kung aktuwal siyang tatawagin.

Itinanong ni Villanueva ang tungkol kay Lachica matapos paulit-ulit na sabihin ni Acosta sa kanyang testimonya na wala siyang personal na kaalaman sa aktuwal na paggamit ng confidential funds.

Ayon kay Acosta, si Lachica ang nagpatupad ng mga gawaing may kinalaman sa pondo sa aktuwal na operasyon.

Iminungkahi naman ni Villanueva na sumunod na testigo si Lachica upang malinawan ang mga usaping iniugnay sa kanya ni Acosta.

Sinabi ni Ligutan na pagpapasyahan pa ng prosecution kung ihaharap si Lachica bilang testigo.