Ipagpaliban muna badge rule sa online sellers
Oct 24, 2026
Calendar
Provincial
Tricycle driver tiklo sa panghahalay
Jojo Cesar Magsombol
Sep 6, 2026
157
Views

TINGLOY, Batangas — Arestado noong Sabado ang tricycle driver na pinaghihinalaang nasa likod ng panghahalay o statutory rape sa Brgy. San Jose, Tingloy, Batangas.
Ayon kay Batangas police director PCol. Oliver Ebora, ang suspek na si alyas Justine, 19, kasama sa Most Wanted Person at nahuli bandang alas-6:20 ng umaga sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 5 ng Lemery, Batangas.
Ang akusado ay naaresto ng Lemery police at 2nd Batangas PMFC. Gumamit ng body worn camera ang mga pulis nang hulihin ang suspek.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek habang inaayos ang pagbabalik ng warrant sa korte.
Pekeng pera nasamsam sa babae
Oct 24, 2026
Suspek sa KFR, illegal detention nasukol sa Isabela
Oct 23, 2026

