Jojo1

459 crime suspects dinakip ng mga parak ng PRO 4A

153 Views

JojoKAMPO VICENTE LIM, Calamba City–Swak sa rehas ang 459 na suspek sa halu-halong krimen nang arestuhin ng mga miyembro ng Police Regional Office 4A (PRO 4A) mula Agosto 31 hanggang Setyembre 6.

Umabot sa P13,399,056.40 na halaga ng ilegal na droga ang nakuha matapos ang 181 anti-drug operations.

Bulto-bultong shabu na umabot sa 1,922 gramo at 1,973.97 gramo ng marijuana at kush na may timbang na 61.72 gramo ang nasamsam sa mga suspek.

Nasa 228 drug personalities ang natiklo habang 231 wanted persons, kabilang ang 72 Most Wanted Persons, ang nasukol.

Nahaharap ang mga ito sa mabibigat na kaso ang mga nahuli tulad ng pagdadala ng ilegal na droga, rape, murder, robbery at theft.

Ipinagmalaki ni acting director PBGen Dominic Baccay ang resulta ng operasyon nila na bunga ng ‘B.E.S.T. Policing Framework.’

Kasalukuyang nakakulong ang lahat ng naaresto sa iba’t-ibang police stations.