Goitia Si Dr. Jose Antonio Goitia ay Chairman Emeritus ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY). Siya ay nagtapos ng Juris Doctor at Doctor of Philosophy (PhD), at may mga advanced degree sa MNSA, MPA, at MBA. JONJON C. REYES

Goitia: Posisyong matatag hindi kailangang ipilit

Jon-jon Reyes Sep 10, 2026
26 Views

ANG insidente sa Seoul Defense Dialogue ay tinawag ni Dr. Jose Antonio Goitia na hindi diplomasya.

Iniabot kay Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. ang isang sulat habang nagsasalita ito.

Muling tinawag sa sulat na “illegal, null and void” ang 2016 South China Sea arbitral ruling at sinabing wala itong “binding force.”

Tinawag ni Teodoro ang insidente na actual ‘bullying.’

Kinuwestiyon din niya ang kawalan ng respeto sa isang forum na hino-host ng South Korea at dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang bansa.

Hindi yuyuko ang Pilipinas sa pambubully, dahil hindi Tsina ang magdidikta sa ating soberanya. Ang pambubully ay hindi tanda ng lakas. Tanda ito ng takot. Kung matatag ang iyong paninindigan, kaya mo itong ipagtanggol gamit ang katotohanan at batas. Hindi mo kailangang manakot ng iba,” sinabi pa ni Goitia.

Ang 2016 Award ay inilabas sa ilalim ng UNCLOS.

Ang isang posisyong tunay na matatag ay hindi kailangang ipilit sa ganitong paraan.