Animal

MinOr nagkapon ng 779 pusa, aso

Helen D. Prado Sep 13, 2026
158 Views

Animal1ORIENTAL Mindoro–Umabot sa 779 na aso at pusa mula sa iba’t-ibang bayan dito ang nakapon ng libre sa pamamagitan ng MIMAROPA Initiative-Oriental Mindoro Leg 2026 Spay and Neuter Activity noong Sept. 7-11.

Bahagi ang programa ng kampanya ng pamahalaan sa pagsulong ng programang nagtataguyod ng responsableng pag-aalaga sa mga hayop, kokontrol ng populasyon ng mga ito at pipigil sa kaso ng rabies.

Dinagsa ng mga residente ang aktibidad sa Roxas, Victoria, Naujan at Calapan City.

Pinangunahan ang gawain ng Oriental Mindoro Provincial Veterinary Office (ProVet) na pinangangasiwaan ni Acting Provincial Veterinarian Dr. Alfredo Manglicmot, katuwang ang ProVet, Romblon at Marinduque City Veterinary Services Department at Department of Agriculture-Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory (DA-RADDL).